Thursday, July 17, 2014

Isang Dosenang Klase ng Highschool Student


ISANG DOSENANG KLASE
NG HIGHSCHOOL STUDENT

Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong

Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.

Clowns – Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag
nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi
naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko
walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging matinding sakripisyo ang
pagpasok sa eskuwela araw-araw.


Geeks – Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang
iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walang
takot na lumapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung
isa-substitute yung value ng X sa Y


Holow Man – May dalawang uri ang HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay
ang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B
naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa
mga quiz; hollow ang utak.


Spice Girls – Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero
laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch breack. Madalas na
may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase,
laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.


Da Gwapings – ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute.
Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang
bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
 

Celebrities – Politicians, atheletes at performers. Politicians ang mga palaban na
mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyante
kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis
tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya
lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage
tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan ang mga celebrity ay may matinding PR, pero
mababang IQ.
 

Guinness –Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng
kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay.
Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit
na laging mali ang sagot.

Leather Goods – Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging
determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang
pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.
 

Weirdos – Mga Problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na
black sheep ng klase. May kaniya-kaniya silang katangian: konti ang kaibigan, madalas
mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.
 

Mga Anak ni Rizal – Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students,
pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science,
at English, pero may oras pa rin para sa konting extra-curricular activities at gimmicks.
 

Bob Ongs – Mga medyo matalino na medyo may sayad. Eto ’yung estudyanteng
habang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na ’yung librong ipa-publish n’ya tungkol
sa classmates n’ya.
 

Commoners – Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at
katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at
sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at
classmates nila.

Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit.
Posible ring hindi lahat ng uring estudyante ay makikita sa iisang klase.

No comments:

Post a Comment